Saturday, April 6, 2019



Itinuturo ng kagawaran ng edukasyon sa murang edad pa lamang na ang pakikipagtalik ng isang babae at lalaki na hindi pa kasal ay tinatawag na pre-marital  sex at ang maagang pagkakamulat na ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa sekswal na paguugali ng isang tinedyer.

Ayon sa pagaaral, taong 2013 ay humigit kumulang 6.2 milyong kabataang Pilipino ang nagsagawa ng premarital sex at halos kalahati nito, 4.8 milyon ang nagkaaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik.

DepEd Order No. 31, s. 2018 o “Policy Guidelines on the Implementation of the Comprehensive Sexuality Education (CSE)” na naglalayong paigtingin ang pagtuturo ng Sekswal na Edukasyon sa mga estudayante upang malaman umano nila na ang ganitong aktibidad ay hindi ginagawa ng hindi kasal na babae at lalaki.

Isinasaad ng Reproductive Health Law na dulot ng edukasyong ito ay higit na matutukso at maakit ang mga tinedyer na gumawa ng mga kilos na hindi nila dapat ginagawa sa dahilang “walang pagbubuntis na mangyayari” kung kaya’t naisasagawa nila ang mga hindi magandang gawain para sa kanilang edad.

Kakulangan at maling paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ay nagbubunga ng maagang pagpasok ng isang kabataan sa isang relasyon kung saan dulot ng murang edad ay hindi nila nagagawang pigilan ang kanilang panloob na tukso.

~E-Jay Panaligan

No comments:

Post a Comment